Sunday, August 22, 2010

Si Pagoong at kwagoong

Si Kwagoong at Pagoong ay matalik na magkaibigan. Bata palang sila ay lagi na silang magkasamang naglalaro sa "Gubat ng Kaalaman". Magkasundo ang dalawa sa lahat ng bagay maliban sa isa ang pag-aaral.


Ayaw na ayaw ni Pagoong ang mag-aral , kapag oras ng pasukan siya ay hindi pumapasok sa kanyang klase at naglalaro lang siya sa kagubatan ng bolang lupa.
Bato doon!! Bato dito!! Kuha doon!! Kuha dito!! Habol doon!! Habol Dito!!
Samantalang si Kwagoong ay busy sa kanyang pag-aaral.



Pag-uwi ni Kwagoong galing klase ay nakita niya sa palaruan si Pagoong at pinagsabihan niya ito.


Kwagoong: Kaibigan Pagoong!! Bat hindi ka na naman pumasok?
Pagoong: Ayokong pumasok ehhh..
Kwagoong: Ba't ayaw mo namang pumasok? Anung Dahilan?
Pagoong: Ang gusto ko lang  ang maglaro, Nakakapagod kaya ang mag-aral!!.
Kwagoong: Mas nakakapagod maglaro kasya mag-aral!!. Bahala ka nga sa buhay mo!!
Pagoong: Talaga!! Bahala talaga ako sa buhay ko...

Sa sumunod na araw ay ganoon parin ang ginagawa ni Pagoong..
Ang maglaro ng maglaro, hanggang sa hindi niya namalayan ay napalayo na pala siya sa "Gubat ng Kaalaman" dahil sa sobrang kalibangan sa paglalaro ng bolang lupa.

Nagulat nalang siya sa hindi pamilyar na lugar...


Pagoong: alah!!! nasaan na ako!? Hindi ko alam ang lugar na ito...
Pagoong: kailangan ko ng umuwi!! bago dumilim!..

Sa kanyang paglalakad nakita niya sila Paroo-paroo at Langaam.. At sa kanila ay nagtanong siya ng daan.
Pagoong: Kaibigang Paroo-Paroo!! Pwede bang magtanong?
Paroo-paroo: Oo! naman kaibigan..
Pagoong: Saan ba dito daan papuntang "Gubat ng Kaalaman"?
Paroo-paroo: Ay nako!! pasensya na kaibigan hindi ko alam!!
Pagoong: Ganun ba!! sige! salamat nalang...
Paroo-paroo : Walang anuman!! Kaibigan...
Pagoong: S'ya nga pala!! Anung lugar ba ito!?
Paroo-paroo: Ito ang "Gubat ng Katamaran"..
Pagoong: Napalayo pala ako ng sobra...
Paroo-paroo: Nandun si Langaam!! Tanungin mo baka alam niya ang daan..
Pagoong: Sige!! Salamat sayo kaibigan..

Pagoong: Kaibigang Langaam!! alam mo ba ang daan paputang "Gubat ng kaalaman"?
Langaam: Bakit!! Naliligaw ka ba kaibigan?
Pagoong: Oo!!  Nalibang kasi ako sa paglalaro. Hindi ko namalayan napalayo na pala ako.
Langaam: Ganun ba!!? diretsuhin mo lang ang daan dun, at may makikita kang dalawang daan yung isa daan na diretso at yung isa naman daan na baluktot.
Pagoong: Saan ako! daanan dun sa dalawa!?
Langaam: hindi ko rin alam kaibigan!! Basta may karatula doon basahin mo..
Pagoong: ahh! okey salamat sayo kaibigang Langaam..Paalam!

Madilim na ng narating ni Pagoong ang sinabi ni Langaam na dalawang daan. Pagtingin niya sa karatula hindi niya alam kung anu ang nakasulat. Nakalimutan pala niya na hindi siya marunong bumasa..

Pagoong: Alah!! Paano ito hindi ko alam ang nakasulat!? Saan ako dadaan!!..
Pagoong: Kung marunong lang sana ako magbasa!!?

Ilang Oras nakatayo si Pagoong sa harap ng karatula di alam ang gagawin. Nakaidlip si "Pagoong" paggising niya ay inabot na siya ng madaling araw. Nagugutom at takot na takot na si "Pagoong" hanggang sa humagulgol nalang siya ng pagkalakas-lakas..

Pagooong: TULONG!! Tulungan niyo koh!!!! Gusto ko ng umuwi!!!
Pagoong: AYOKO NA DITO!!! NATATAKOT NA KO!!! TULONG!!

Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iyak ay bigla dumating si Kwagoong galing himpapawid at bumaba sa lupa.
Pagoong: KAIBIGAN!!! BUTI DUMATING KA!!
Kwagoong: Kanina ka pa pinahahanap ng magulang mo sa akin. Buti nalang narinig ko ang malakas mong pag-iyak pauwi na sana ako na bigo sa paghahanap sa iyo!!
Pagooong: SALAMAT!! Kaibigang Kwagoong. San ba tayo dadaan dito!? hindi ko kasi mabasa ehh!
Kwagoong: Ayan kasi hindi ka kasi pumapasok sa eskwelahan!! Kaya hindi ka marunong bumasa!!
Pagoong: Sorry! na kaibigan.. Pangako ko sa iyo pagnaka-uwi na tayo mag-aaral na ako. Para hindi ako Tatanga-tanga sa panahon na kinakailangan!!!
Kwagoong: Hindi mo ba alam ang Edukasyon o ang Pag-aaral ay ang tunay at tamang daan sa tagumpay, Kahit saan kamang lugar mapunta ay hinding-hindi ka mawawala.

Nakauwi na ng matiwasay si Pagoong sa tulong ni Kwagoong .
Mula noon ay Magsabay na sila ni Kwagoong sa pagpasok sa Eskwelahan.

8 comments:

  1. pwedeng akin na lang si pagoong? ang cute eh!!!!
    hohoho

    galing galing inggit ako T_T

    buti natuto na syang pumasok at magsipag sa school!!! yahey

    ReplyDelete
  2. Sigeh sayo nah tol...
    Magaling ka rin kaya..1DOL ko nga kayo ni OTEP at RICO DE BUCO ehh...

    ReplyDelete
  3. wala na bang iba? yan kasi laro ng laro tulad ng iba jan dota ng dota di nag-aaral nyahahahaha

    ReplyDelete
  4. ax, ang ganda naman ng kwento at ang ganda ng drowing ha. ayos!

    ReplyDelete
  5. ay anong at kanina pa ko nadidisconect pag nag sesend ako ng comment lols.

    anyway, ang husay ng iyong kwento, pwede k ng gumawa ng aklat na kwentong pambata, marunong ka ng gumuhit mahusay ka pa bumuo ng kwentong pambata.

    ReplyDelete
  6. NAGULAT ako kay bagoong biglang umiyak sa gitna ng kwento.
    taga batangas po ba kayo..

    ReplyDelete
  7. Maligayang pagbati po! Umaasa po ako na maghahatid sa inyo ng tuwa ang aking pag-kabit (link) ng inyong sapot-lugar (web site), kasama ang lahat ng kasali sa Saranggola Dos, sa aking 2Rivers na kung saan lahat kayo ay malugod na inaanyayahan. Maaari din po ninyong ikabit ang inyong sapot-lugar sa MukhaLibro Pader (Facebook Wall) ng inyong likod. Tara, tena! Sumasainyo ang Pwersa at mabuhay ang panitikang Pilipino! Lubos na gumagalang, Jonathan Aquino

    ReplyDelete