Tuwang-tuwa naman si Pagoong na binuksan ang box na padala sa kanya ng kanyang Nanay at agad itong pumunta sa kanyang matalik na kaibigan na si Kwagoong..Pagoong : Kaibigang Kwagoong! tignan mo itong sumbrero na binili sa akin ni Nanay..
Kwagoong : Wow! ang ganda naman niya Pagoong, ikaw lang ata merong ganyang gintong sumbrero dito sa lugar natin.. Swerte mo naman sa Nanay mo!?
Pagoong: Hindi lang yang ang ipinadala sa akin ng nanay ko, meron din akong mga bagong gamit sa eskwelahan at mamahaling tela na gagamitin ko panggawa ng damit ko.
Kwagoong : Wala talaga akong masabi sayo kaibigan!. Sa akin ang ibinili sa akin ay yung mga sirang gamit lang.. Pero okey lang sa akin yun kasi magagamit ko pa naman yung iba ehh... Kailangan kasi namin magtipid para rin sa iba kong mga kapatid.
Pagoong : Panu kaibigan mauna na ako sayo!
Kwagoong : Geh! Ingat ka kaibigan..
Hindi nila namalayan na palihim pala na nakikinig si Matsiing sa kanilang usapan.
Habang naglalakad pauwi si Pagoong ay nilapitan at kinausap siya ni Matsiing.
Matsiing : Ang ganda naman niyang sumbrero mo! Kumikintab sa kagandahan...
Pagoong : Ahh! ito ba padala sa akin to ng nanay ko.. Salamat sa papuri ah...
Matsiing : May naiisip ako! gusto mo bang sumama sa akin pupunta ako doon sa pananiman ko ng saging, kukuha ako na makakain ko..
Pagoong : Ahh! sige..
Matsiing : (lihim na pagngiti ni Matsiing sa wakas mahuhulog si Pagoong sa kanyang plano) Ano pang hinihintay mo tara na!..
Pagdating sa pananiman ng saging ay agad na bumili ng isang basket ng saging si Matsiing. Kinain niya ito agad sa harapan ni Pagoong at pinaglaway niya ng husto ito..Matsiing : Hmmmh! Pagoong gusto mo ba ng saging?
Pagoong : Ahh! Oo eh! kaso wala akong perang pangbili..
Matsiing : Wala ka ngang pera pero meron ka naman gintong sumbrero dyan sa ulo mo!
Pagoong : Ito ba! Anu naman magagawa nito..
Matsiing : Simple lang! ibenta mo yan sa akin at magkakapera ka pambili ng isang basket na saging!..
Pagoong : Sigeh!! ohh eto kunin mo!!
Matsiing : Eto! dalawang piso pambili ng isang basket ng saging..
Pagoong : Yahoo! makakabili na ko ng saging...Salamat sayo Matsiing..Pagoong : Hmmh! Ang sarap.
Matsiing : hahahah!! Sa wakas napasaakin din ang gintong Sumbrero.. Ang talino ko talaga.
Sa sumunod na araw ay nakita uli ni Pagoong si Matsiing.
Matsiing : Kaibigang Pagoong! Gusto mo bang sumama pupunta ako sa peryahan sa kabilang bayan.
Pagoong : Saan! sa peryahan! sige sama ako!!
Matsiing : May pera ka ba?
Pagoong : Wala nga eh!
Matsiing : Panu ka makakasama! kung wala kang pera!
Pagoong : Hindi ko nga alam eh!!
Matsiing : Alam ko na kung paano!!
Pagoong: Paano!?
Matsiing : Simple lang ibenta mo sakin yung tela binigay sayo ng nanay mo at magkakapera ka!! Para makasama ka sakin sa peryahan..
Pagoong: Sige!!
Pagoong : Eto na yung tela!
Matsiing : Wow! Magaling kaibigan..
Pagoong : Pano! Tara na!!
Matsiing : Uu ba!! Siguradong mag-eenjoy ka doon..
Pagoong : Talaga!!
Matsiing : Oo!! maniwala ka sakin
Nag-enjoy naman si Pagoong sa pagpunta sa Peryahan.
Kinabukasan ay nakita niya huli si Matsiing kasama si Ahass nagpapalipad sila ng Saranggola. Agad itong nilapitan ni Pagoong.
Pagoong : Wow! Ang ganda naman ng mga Saranggola ninyo! Pwede pahiram!?
Ahass : Ayoko nga! Baka masira pa to!
Matsiing : Gusto mo talaga magkaroon ng Saranggola!?
Pagoong : Oo, naman! Gusto kong maranasan magpalipad niyan!
Matsiing : Simple lang naman ehh! Bigay mo sakin ung mga bago mong gamit sa eskwela at ibibigay ko sayo itong Saranggola ko!.
Pagoong : Ahh! Ehh! Pero ayun nalang yung natitirang padala sa akin ng nanay ko!
Matsiing : Ayaw mo! Ikaw din, sige ka eto pa naman uso ngayon!!
Pagoong : Sige na nga!! hintayin mo ko dito kukunin ko lang..
Matsiing : Hahaha!! Tagumpay ang plano natin Ahass! Apir!
Ahass : Apir!! Enge notebook ah!
Matsiing : Geh! basta isa lang..
Iniabot na ni Pagoong ang mga gamit niya kapalit ang Saranggola ni Matsiing.
Pagoong : Eto na! Matsiing..
Matsiing : Yan ang dali mo naman pala kausap ehh! Eto na yung saranngola!
Pagoong : Salamat!!
Matsiing : Walang anuman!! basta may kapalit.. eheheheh!!!
Limipas ang ilang araw ay nalalapit na ang pasukan, ngunit wala nang natira sa mga pinadala gamit ng nanay ni Pagoong. Hindi na niya maalala ang lasa ng saging, yung itsura ng peryahan at ang Saranggola ay utol na ang buntot at butas na ang katawan. Problemado siya ngayon kung panu siya makakapasok sa eskwelahan kung wala na siyang mga gamit. Yung luma niyang mga gamit ay naipamigay na niya nung nagpadala ng bago ang nanay niya. Kaya lumapit siya sa kanyang kaibigan na si Kwagoong upang umingi ng tulong.
Pagoong : Kaibigang Kwagoong! May problema ako!!
Kwagoong : Anu iyon kaibigan!?
Pagoong : Wala na akong magagamit sa pasukan!
Kwagoong : Paanong wala diba! puro bago nga gamit mo padala sa iyo ng nanay mo.
Pagoong : Oo, kaso naipagpalit ko na kay Matsiing ehh!!
Kwagoong : Naku!! nautakan ka nang Matsiing na iyon. Pagdating talaga sa kagulangan umandar ang utak ng Matsiing na iyon.
Pagoong : Kaibigan anung gagawin ko!?
Kwagoong : Alam mo kasi kaibigan dapat kasi iniingatan mo yang mga gamit mo. Lalo na yang padala sa iyo ng nanay mo, kung alam mo lang ang hirap ng nanay mo para mabili ka lang ng mga gamit na iyon!!.
Pagoong : Patawad kaibigan!! Patawad simula ngayon magiging masinop na ako sa mga gamit ko. Pahahalagaan ko ang mga gamit na binigay sa akin ng mga taong mahal ko.
Kwagoong : Okey lang yun! Ohh eto pahihiramin nalang kita ng mga luma kong gamit upang ng sa ganun ay makapasok ka parin sa eskwelahan..
Nakapasok nga ng eskwelahan si Pagoong sa tulong ng matalik niyang kaibigan na si Kwagoong.
Inayos at kinumpuni ni Kwagoong ang Saranggola ni Pagoong at sinasakyan at sinabayan niya sa paglipad ang Saranggola ni Pagoong.

No comments:
Post a Comment